ANG PAGHIHIGANTI: what happened to Alunsina?
Pinaalis
ni Tungkung Langit sa palasyo si Alunsina. Linisan ng diyosa ang kanilang lugar
na mabigat ang damdamin dahil sa nangyari, at bagsak ang katawan dahil sa
pagiging emosyonal nang sila ay nagtalo.
Habang lumalayo si Alunsina sa
kanilang palasyo, at patuloy na nag-iisip kung paano mawawala ang sakit na
kanyang nararanasan, may narinig siyang matining at maliit na boses na bumulong
sa kanya at sinabing, “Gumawa ang diyos ng isang magandang mundo para sa’yo.”
Ang magandang mundong tinutukoy ay pinamamahayan ng mga malalking punong
nagbubunga ng mga prutas na masustansya, magaganda, at masasayahing mga kayop.
Napatigil at napatulala ang diyosa at biglang sumulpot, sa harap ng kanyang mga
mata, ang isang kumikinang at lumilipad na diwata.
Ipinakita ng diwata ang paraisong
ginawa ng diyos para kay Alunsina, sa pamamagitan ng usok, at napagdesisyonan
niyang hindi na siya muling babalik. Patuloy na kinulit ng diwata ang diyosa at
nang napuno na dahil sa inis at sakit ng ulo, naitulok niya ang diwata at
naglaho ang makapal na usok. “Ang paraisong ‘yan ay makararanas ng mga sakuna!”
Pasigaw na sinabi ni Alunsina. Mula noon, nakranans na ng mga bagyo at lindol
ang magandang mundo at si Alunsina ay naging kalamidad na sumisimbolo sa
kanyang galit.
No comments:
Post a Comment